Pagbungad pa lang namin sa loob ng CCP, pumukaw na ng aking pansin ang 2013 PBBY-Alcala Prize Winners and Ang Ilustrador ng Kabataan (InK) Exhibit sa Tanghalang Aurelio Tolentino Lobby. Ang mga likhang-sining sa nasabing exhibit ay mga nagbibigay ng anyo, hugis, kulay, pakiramdam pati na mga damdamin sa mga libro ng mga kwentong pambata. Ginahan tuloy mangarap at maglaro ang paslit sa puso ko. Kung gusto ninyo pa nga, tingnan pa ninyo eh.
Uy, tara na.Baka matunaw ang mga 'yan. Mahuhuli na kaya tayo't nagcha-chimes na eh! Pasok muna tayo.
Wow! Ganda. Taray. Di tuloy mapigilan ng kasama kong magpapicture.
Ay! Nasita kami tuloy ng usherette sa kaka-IG ko kahit wala akong IG. Kinailangan kong patayin ang digicam at lumabas nang i-alok sa'min nung nagpalit ng aming mga media pass na yari sa laminated glossy cartons na naging plastic cards. Sa bagal ng proseso at bilis ng chimes, pinigilan ko na lang yung bibig ko; nirendahan ko na lang yung kamay ko; pumasok at umupo na lang uli sa upuan ko.
Ta's, bigla na lang tumutulo yung luha ko.
Yung eksenang binabaha mo ng luha mo ang buong stage pero yung kasama mo ay unaffected pa rin at maluha lang nung namatay yung tatay ng bida. ShutangInaBeks!
Palagay ko hindi 'to dahil sa mga rollerblades na aking kinaiingitan o sa mga sapatos na aking inaasahang mairegalo sa'kin. Kagagawan 'to ni Susie (Trixie Esteban). Napakatalim ng kanyang napakatinis na tinig na lumalaslas na ito ng pulso't puso. Pinatatalas pa ito ng liksi ng mga kalarong sapatos na nag-iiba-iba ng anyo (Marco ViaƱa, Remus Villanueva, Jovanni Cadag, Ralph Mateo, Aldo Vencilao, Doray Dayao, JV Ibesate, Antonette Go at Lhorvie Nuevo); pagmamahal ng kanyang Tatay (Jonathan Tadiohan), Nanay (May Bayot) at Ate (Regina de Vera) at pagsulpot ng bonggang-bongga ni Tessa Prieto-Valdez bilang Diwata na suot ang kasuotang pinagtulung-tulungang gawin nina Leeroy New, James Reyes at Tuxqs Rutaquio. Pilit lang itong pinakakalawang ng mga sintunadong boses at ng isang takip ng kahon na naunang bumukas pero patuloy pa rin sa pagluha ang mga mata ko.
Kitang-kita ang de kalibreng pagtutulungan nina Tuxqs Rutaquio at Layeta Bucoy. Naintindihan ng direktor ang bangis ng pantasya't realidad ng isang batang may kapansanan na ipinipinta ng manunulat ng libretto. Hindi na rin siya nahirapang likhain ang mundong 'yon kasama ang taga-disenyo ng ilaw na si John Batalla, taga-disenyo ng tunog at gitaristang si TJ Ramos, kompositor na si Noel Cabangon, katuwang na kompositor at musical director na si Jed Balsamo, perkusyonistang si RJ Alfafara, mga taga-disenyo ng kasuotan na sina Leeroy New at James Reyes at choreographer na si Gerald Mercado.
Sa tuluy-tuloy na pagluha, isang bahaghari ang makikita habang sa ibabaw nito ay aking natatanaw ang puso kong nahati na sa gitna kasama ng labing-isa pang mga nakatingala.
![]() |
| Nasa'n kaya dito ang puso ko? Andrama 'ba? Tara, picture picture na! |
Nainggit ka, 'no? Gusto mo rin? May oras pa. Punta na dito.







.jpg)
.jpg)























No comments:
Post a Comment