Bilang pahabol na rin sa Araw ng mga Ama, inihahandog ng Tanghalang Pilipino, na tumanggap ng pinakamaraming parangal sa 2012 Philstage Gawad Buhay, sa kanilang ika-27ng Panahon ng Pagtatanghal sa Taong 2013-2014 ang dalawang musical, dalawang dula at isang opera na umiinog sa papel ng mga padre de pamilya sa pag-aalay ng kanilang pagmamahal kasabay ng kanilang paghubog sa lipunang Pilipino.
 |
| Ang Mga Palabas (mula sa kamera ni Monica Ayeras) |
Sandosenang Sapatos (Musical)
Adapsyong Pang-musical/Libretto -
Layeta Bucoy
Mula sa libro ni
Dr. Luis Gatmaitan
Direktor/Disenyo ng Entablado/Katuwang sa Disenyo ng mga Kasuotan -
Tuxqs Rutaquio
Komposisyon -
Noel Cabangon
Katuwang sa Komposisyon/Katuwang sa Areglo/ Direktor Pang-musika -
Jed Balsamo
Disenyo ng Ilaw -
John Batalla
Disenyo ng Tunog/Gitarista -
TJ Ramos
Perkusyonista -
RJ Alfafara
Disenyo ng mga Kasuotan -
Leeroy New at
James Reyes
Koryograpiya -
Gerald Mercado
Direktor Pang-artistiko: Nanding Josef
Paano kaya maitatawid ng pagmamahal ng isang sapatero ang mga panaginip ng kanyang bunsong babaeng ipinanganak na walang paa? Sa adapsyong pang-musical/libretto ni Layeta Bucoy, na nanalo ng Best Original Script para sa Stageshow sa 2012 Philstage Gawad Buhay, matutunghayan natin ang mga suliranin ng butihing sapatero't kanyang mga kapamilya, ang kanilang pakikisalamuha sa mapanghusgang lipunang kanilang kinagagalawan, ang tingin ng karamihan sa mga may kapansanan, ang debosyon ng ama sa anak niya at ang kahalagahan ng suporta't tulong sa mga lubos na nangangailangan.
PASABOG: Isa sa mga miyembro ng TP Board of Trustees, kolumnista sa Philippine Daily Inquirer at sosyalerang kilala sa kanyang palayaw na Sea Princess na si Bb. Tessa Prieto-Valdes ang siyang gaganap bilang Diwata habang si Raquel Pareño, ang anak ng batikang aktres sa pelikula't telebisyon na si Gina Pareño, ang kanyang magiging kahalili (understudy) ng kanyang kahalinhinan (alternate) na si Hazel Maranan.
Mula ika-13 hanggang ika-21 ng Hulyo, 2013
(Sabado) Hulyo 13, 2013 / ika-3 ng hapon at ika-8 ng gabi
(Linggo) Hulyo 14, 2013 / ika-10 ng umaga at ika-3 ng hapon
(Huwebes) Hulyo 18, 2013 / ika-10 ng umaga at ika-3 ng hapon
(Biyernes) Hulyo 19, 2013 / ika-10 ng umaga at ika-3 ng hapon
(Sabado) Hulyo 20, 2013 / ika-10 ng umaga at ika-3 ng hapon
(Linggo) Hulyo 21, 2013 / ika-10 ng umaga at ika-3 ng hapon
Lugar
Tanghalang Huseng Batute
Sentrong Pangkultura ng Pilipinas
Tiket
Karaniwan - Php 600
Estudyante - Php 300
20% diskwento sa karaniwang presyo para sa mga nakatatanda, empleyado ng goberyno't militar at may kapansanan. (Ipakita lamang ang inyong valid ID.)
IBALONG The Musical
Adapsyon/Libretto -
Rody Vera
Direktor/Disenyo ng Entablado -
Tuxqs Rutaquio
Komposisyon/Direktor Pang-musika -
Carol Bello
Areglo -
Rizalino Reyes at
Inkantada All Women Music Group
Disenyo ng mga Kasuotan at mga Papet -
Leeroy New
Koryograpiya -
Alden Lugnasin
Koryograpiya sa Pakikipagbakbakan -
Jerry Ramirez
Disenyo ng Ilaw at Direktor Panteknikal -
Katsch Catoy
Disenyo ng Tunog -
TJ Ramos
Direktor Pang-artistiko - Nanding Josef
Pipiliin ba ng isang bayani ang pagiging ama sa itinatag niyang kaharian at mga nasasakupan nito ng mahaba-haba pang panahon o pagiging ama sa anak na di na niya magagabayan kailanman? Sa interpretasyong musikal nitong epikong Bikolano na isinaentablado ng premyadong mandudula na si Rody Vera, hindi lang ito nangangakong pumukaw ng damdamin at manalig muli sa kabutihan bagkus ipinakikita rin dito na ang pakikipagbuno ng Liwanag at Dilim ay kasintanda na ng panahon ngunit napapag-usapan at tinatalakayan pa rin ito sa kasalukuyan ang ilang mga aspeto nito. Ipinapaalala rin nito na ang lahat ng ating ginawa kahit gaano pa kalala ay may karampatang kahahantungan; na ang paghahanap sa kagandahan, katotohanan at kabutihan ay suliranin nating hinaharap araw-araw; na ang paraiso ay posible, basta't ating pinaglalaban.
PASABOG: Magtatanghal ito sa Adamson University sa Maynila at sa Legaspi City, Albay sa Kabikulan. Sa pakikipagtulungan ng City of Legaspi sa ilalim ng pamumuno ni Kagalanggalang na Punongbayan Noel Rosal, ang nasabing etno-rock musical ay magiging bahagi ng pagdiriwang ng Ibalong Festival sa nasabing lungsod.
Mula ika-30 ng Agosto hanggang ika-15 ng Setyembre, 2013
(Biyernes) Agosto 30, Setyembre 6, 13 / ika-8 ng gabi
(Sabado) Agosto 31, Setyembre 7, 14 / ika-3 ng hapon at ika-8 ng gabi
(Linggo) Setyembre 1, 8, 15 / ika-3 ng hapon
Lugar
Tanghalang Pilipino
Sentrong Pangkultura ng Pilipinas
Tiket
Karaniwan - Php 600
Estudyante - Php 300
20% diskwento sa karaniwang presyo para sa mga nakatatanda, empleyado ng gobyerno't militar at may kapansanan. (Ipakita lamang ang valid ID.)
Der Kaufmann (The Merchant of Venice)
Halaw ni
Rody Vera
Mula sa salin ni
Rolando Tinio, ANG NEGOSYANTE NG VENECIA ng THE MERCHANT OF VENICE ni
William Shakespeare
Direktor/Disenyo ng Entablado't Mga Kasuotan -
Tuxqs Rutaquio
Disenyo ng Tunog -
TJ Ramos
Direktor Pang-artistiko - Nanding Josef
Nakakaapekto ba ang matinding muhi at planong paghihiganti sa responsabilidad ng magulang at pagrerebelde ng supling? Sa komedyang ito na isinulat mula 1596 hanggang 1598 ng pinakabantog na manunula at mandudulang Ingles na si William Shakespeare, mabubuko ang hangarin ng isang Hudyong nagpapautang na 'pagbabayarin ng mahal' ang isang Kristiyanong mangangalakal na hindi pa nagbabayad sa pagkakautang nito. Kahit na ito'y tinaguriang komedya sa kalipunan ng mga dula na kilala bilang "First Folio" dahil sa pagkakapareho nito sa mga komedyang romantiko, tanyag rin ito sa madramang pagtalakay sa relihiyon at awa na makikita sa mga eksena ng pakikipagdebate nina Shylock at Portia.
PASABOG: Sa halaw ni Rody Vera mula sa salin ng Pambansang Alagad ng Sining na si Rolando Tinio, ang komedyang ito ay kakasangkapanin ng mga Nazi sa panahon ng Holocaust upang maghasik ng takot, pangamba, suklam sa mga 'artista' nilang Hudyo. Makikita rin dito ang epekto ng matinding diskriminasyong panlipi't panlahi at kawalang-timpi. Pipiliin kaya ng mga manonood ang pagmamahal sa kaibigan o pagnanasa sa pera? Ang mga pagganap sa mga papel ay pangungunahan ng TP Actors' Company.
Mula ika-27 ng Setyembre hanggang ika-13 ng Oktubre, 2013
(Biyernes) Setyembre 27, Oktubre 4, 11 / ika-8 ng gabi
(Sabado) Setyembre 28, Oktubre 5, 12 / ika-3 ng hapon at ika-8 ng gabi
(Linggo) Setyembre 29, Oktubre 6, 13 / ika-3 ng hapon
Lugar
Tanghalang Huseng Batute
Sentrong Pangkultura ng Pilipinas
Tiket
Karaniwan - Php 600
Estudyante - Php 300
20% diskwento sa karaniwang presyo para sa mga nakatatanda, empleyado ng gobyerno't militar at may kapansanan. (Ipakita lamang ang valid ID.)
San Andres B. (Opera)
(Unang Pagtatanghal sa Buong Mundo)
Libretto -
Virgilio Almario
Direktor -
Floy Quintos
Musika -
Chino Toledo
Koryograpiya -
Paul Morales/Alden Lugnasin
Disenyo ng Produksyon -
Eric Cruz
Disenyo ng Ilaw -
Jay Aranda
Inhinyero ng Tunog -
Rards Corpuz
Direktor Pang-artistiko - Nanding Josef
"Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala."
-Andres Bonifacio, Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
Sa nalalapit na ika-30 ng Nobyembre, 2013 ay ating ipagdiriwang ang ika-150 anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio, na mas mababa ang turing kaysa sa kilalang-kilala na si Dr. Jose Rizal. Ang pagkakataong iyon ang pinakahihintasy na sandali upang buksan ang kamalayan ng mga Pilipino, lalung lalo na ang mga kabataan, sa kadakilaan ni Bonifacio na pinangunahan ang mga unang sigaw para sa kalayaan ng Pilipinas at pagkabansa nito.
Sa pakikipagtulungan ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA), ikinararangal ng Pambansang Alagad ng Sining Para sa Panitikan na si Virgilio Almario na isulat ang libretto halaw sa kanyang nanunang nobela tungkol kay Andres Bonifacio at ng Tanghalang Pilipino upang buuin at itanghal ang nabanggit na produksiyon. Ang modernong opera na may dalawang yugto ay iikot sa buhay, pag-ibig, pagkabigo at tagumpay ng Supremo ng Katipunan na artista rin pala ng bayan. Matutunghayan rin ang kanyang mga lihim at kung papa'no nito naimpluwensyahan ang paghihimagsik para sa kalayaan at kasarinlan ng ating bayan.
PASABOG: Bukod sa pagtugtog ng isang malaking orkestra at natatanging pagganap ng sopranong si Clarissa Ocampo bilang Gregoria De Jesus/Oryang, ang The Philippine Madrigal Singers ay iniimbitahan ding maging koro ng nasabing opera.
Mula ika-29 ng Nobyembre hanggang ika-8 ng Disyembre, 2013
(Biyernes) Nobyembre 29 at Disyembre 6 / ika-8 ng gabi
(Sabado) Nobyembre 30 at Disyembre 7 / ika-3 ng hapon at ika-8 ng gabi
(Linggo) Disyembre 1 at 8 / ika-3 ng hapon
Lugar
Tanghalang Aurelio Tolentino
Sentrong Pangkutura ng Pilipinas
Tiket
Karaniwan - Php 800
Estudyante - Php 400
20% diskwento sa karaniwang presyo para sa mga nakakatanda, empleyado ng gobyerno't militar at may kapansanan. (Ipakita lamang ang valid ID.)
Mga Ama, Mga Anak (Fathers and Sons)
ni
Nick Joaquin
Direktor -
Joel Lamangan
Mandudula -
Pete Lacaba
Disenyo ng Tunog -
TJ Ramos
Disenyo ng Entablado't Mga Kasuotan -
Tuxqs Rutaquio
Direktor Pang-artistiko - Nanding Josef
Pa'no papalakulin ng isang padre de pamilya ang mga kalupitan at pagkukulang na unabot pa sa ikatlong henerasyon bago man lang siya pumanaw? Ang dulang ito ay may tatlong yugto ay isinulat sa Ingles at may orihinal na pamagat na "Fathers and Sons" ng Pambansang Alagad ng Sining Para sa Panitikan na si Nick Joaquin noong 1976 mula sa kanyang tanyang na librong "Three Generations" na inilimbag ng National Bookstore Inc noong 1979. Ang salin nito sa Filipino ay nakatuon sa mga tunggalian ng mga salinlahi lalung-lalo na sa mga ama at mga anak. Ikukwento nito ang mga huling sandali ni Zacarias Monzon na dating makapangyarihan sa kanyang bayan partikular na yung mga sandaling siya'y nagkasakit at nakawheelchair na lang habang nasa gitna siya ng awayan sa kanyang pamilya hanggang sa napagtanto niya ang kanyang mga pagkakamali sa kanila bago
siya lagutan ng hininga.
PASABOG: Bukod sa paghawak ng batikang direktor ng pelikula, telebisyon, teatro at aktor na si Joel Lamangan ng nasabing produksiyon, inaasahang magsisiganap dito sina Eddie Garcia, Richard Gomez at Coco Martin.
Mula ika-21 ng Pebrero hanggang ika-9 ng Marso, 2014
(Biyernes) Pebrero 21, 28 at Marso 7 / ika-8 ng gabi
(Sabado) Pebrero 22, Marso 1 at 8 / ika-3 ng hapon at ika-8 ng gabi
(Linggo) Pebrero 23, Marso 2 at 9 / ika-3 ng hapon
Lugar
Tanghalang Aurelio Tolentino
Sentrong Pangkutura ng Pilipinas
Tiket
Karaniwan - Php 800
Estudyante - Php 400
20% diskwento sa karaniwang presyo para sa mga nakakatanda, empleyado ng gobyerno't militar at may kapansanan (Ipakita lamang ang valid ID.)
Para sa mga katanungan tungkol sa pagrereserba ng tiket, maramihang pagbili, pag-iisponsor, espesyal na pagtatanghal atbp., makipag-ugnayan po kay
CHERRY BONG Z. EDRALIN
Marketing Manager
TANGHALANG PILIPINO FOUNDATION INC.
Cultural Center of the Philippines
2/F Production Design Bldg. CCP Complex
Roxas Blvd. Pasay City
Phone: +639 8321125 local 1620-1621
Wireless: (02)218-3791
Mobile: 0917-750-0107, 0918-959-3949
Email Address: tpmarketing_ccp@yahoo.com
cherry_edralin888@yahoo.com
**Mabibili ang mga tiket sa lahat ng TicketWorld Outlets. Tumawag sa 891-9999.